- All
- Pinnacle Sports Betting
- PBA News 2024
- All PBA Results
- Mga 2023 PBA Basketball
- Boxing Mga Prediksyon
- Sport na Online Sabong
- Mga 2023 FIBA World Cup Qualifiers
- Mga Football Player Information
- Mga gabay sa Sports Betting Online
- Mga Betting Terms Wikipedia
- Mga 2022 PBA Basketball
- FIFA World Cup Sa 2022
- NBA News 2024
Oleksandr Usyk, Isang tunay na mandirigma mula boksing hanggang sa battlefield
Simula pa noong mga unang araw ng boksing, ang dibisyon ng heavyweight ay palaging sentro ng atensiyon sa maraming tagahanga. Sa paglipas ng mga dekada, nakakita tayo ng ilang hindi kapani-paniwalang panahon sa heavyweight boksing, at pagkatapos ng ilang walang kinang na taon, nasakasihan natin kamakailan ang muling paghahari ng heavyweight na dibisyon, kasama ng mga manlalaban kagaya nila Anthony Joshua, Tyson Fury, Deonty Wilder, at marami pang iba.
Gayunpaman, noong 2020, si Oleksandr Usyk, ang dating undisputed cruiserweight na kampeon sa mundo, ay pumasok sa dibisyon at ginulat ang lahat sa pamamagitan ng pagtalo sa British world champion na si Anthony Joshua at naging isang hindi mapag aalinlangan na kampeon.
Bukod dito, sa kabila ng pagharap sa digmaan sa kanyang sariling bansa, ipinagpatuloy ni Oleksandr Usyk na makipagkumpitensya sa pinakamataas na antas at magsalita para sa kanyang mga kapwa kababayan sa tuwing nakakakuha siya ng pagkakataon. Higit pa sa isang boksingero, si Oleksandr Usyk ay isang mandirigma at mayroong nakakaganyak na istorya.
Simula sa larangan ng Football hanggang sa boksing ring - Ang maagang buhay ni Oleksandr Usyk
Si Oleksandr Usyk ay ipinanganak noong 1987, sa isang maliit na bayan ng Crimea, na noon ay bahagi ng USSR. Siya ay nanggaling sa mapagkumbabang simula, at nakita niya ang halaga ng sipag at pagsusumikap sa napaka murang edad.Ang kanyang ina ay isang construction worker, at ang kanyang ama ay isang militar, na dumaan mula sa Afghanistan at nagtrabaho sa Crimea bilang isang security guard.
Bilang isang bata, si Oleksandr Usyk ay nakapasok sa football sa halip na sa boksing, at siya ay sinanay sa SC Tavriya Simferopol na dalubhasang sports school ng Olympic reserve. Si Oleksandr Usyk ay pumasok sa boksing sa edad na 15 sa mungkahi ng kanyang ama at napaibig sa isport.
Mula sa baguhang kalaban hanggang sa Olympic Gold
Siya ay isang pambihirang may talentong atleta at sa loob ng 4 na taon na pag pasok sa boksing ring, siya ay nakikipagkumpitensya sa 2006 European Championships, kung saan nakapasok siya sa semi-finals, at nanalo ng bronze medal. 2008 ay ang malaki at mabigat na taon para kay Us Yks sa kanyang baguhan na karera. Siya ay nanalo ng ginto sa European Championships at nakakuha ng pilak na medalya sa boksing world cup na ginanap sa Moscow.
Sa oras na ito, si Oleksandr Usyk ay nagsimulang magpakita ng mga senyales ng pagiging isang world-class na boksingero. Ang sumunod na taon, siya ay naging kwalipikado para sa world championships. Hindi siya nanalo, ngunit nakapasok sita sa semi-finals at nanalo ng tansong medalya. Noong 2011, nakipagkumpitensya siya sa world championships sa pangalawang pagkakataon, at sa pagkakataong ito, umalis siya ng may gintong medalya, naging pinakamahusay na baguhan sa heavyweight na boksingero sa buong mundo.
Si Oleksandr Usyk ay naging kwalipikado rin para sa 20212 London Olymoics at nanalo ng Olymic gold medal para sa Ukraine na nakipaglaban sa heavyweight.
Oleksandr Usyk pumaitaas sa Cruiserweight Undisputed Boxing Champion
Si Oleksandr Usyk ay nagsimula sa kanyang propesyonal na karera noong 2013 at nagkaroon ng maraming tagumpay. Simula ng dumating siya kasama ng malaki at mabigat na baguhang angkan, nakuha niya ang pinakamahirap na laban simula sa unang araw, at pagkatapos mapatumba ang kanyang unang apat na kalaban, si ay nagkaroon ng pagkakataon na lumaban para sa WBO Inter-Continental cruiserweight na titulo. Siya ay nanalo sa laban at dinepensahan ang rehiyonal na titulo ng apat na beses.
Sa puntong ito ng kanyang karera, si Oleksandr Usyk ay nanalo sa lahat ng kanyang mga laban sa pamamagitan ng knockout at binugbog ang isang kalaban pagkatapos ng isa. Kaya, sa wakas ay nakakuha siya ng pagkakataon sa WBO cruisrweight title. Tinalo ni Oleksandr Usyk si Krzysztof Glowacki sa pamamagitan ng unanimous na desisyon para mapanalunan ang titulo.
Ipinagpatuloy ni Usyk na depensahan ang kanyang titulo at nakipagkumpitensya sa World Boxing Super Series, kung saan ay nakalaban niya Mairis Briedis sa Semi-Finals. Ang titulo ng WBC Cruiserweight ay nasa linya para sa laban na ito, at kahit na ang laban ay mapagkumpitensiya, si Oleksandr Usyk ay nanalo sa desisyon ng mayorya, na naging isang unified world champion.
Sa kanyang pinaka susunod na laban, at sa wakas ng World Boxing Super Series, Nilabanan ni Oleksandr Usyk si Murat Gassiev. Hinawakan ni Oleksandr Usyk ang mga titulong WBO at WBC cruiserweight, at hinawakan ni Gassieb ang mga titulong WBA at IBF, kasama ng The Ring Cruiserweight belt. Sa lahat ng apat na pangunahing world titles na nasa linya, ang mananalo sa laban ay aalis kasama ng titulong Undisputed Cruiserweight.
Si Oleksandr Usyk ay madaling natalo si Gassiev at nanalo sa laban sa pamamagitan ng unanimous na desisyon, naging Undisputed Cruiserweight world champion.
Oleksandr Usyk umabot sa Heavyweight na dibisyon
Pagkatapos gumawa ng depensang titulo laban kay Tony Bellew, si Oleksandr Usyk ay nagpasyang umabot sa timbang, at humarap sa pagsubok ng isa sa pinaka nakasalansan sa heavyweight dibisyon sa modernong boksing.
Matapos matalo si Derek Chisora, at mapanalunan ang titulong WBO Intercontinental heavyweight, Hinamon ni Oleksandr Usyk si Anthony Joshua para sa kanyang unified world titles. Hawak ni Joshua ang unified WBA (Super), IBF, WBO at IBO Heavyweight titles noong panahong iyon at naging mabigat na paborito laban kay Oleksandr Usyk.
Gayunpaman, pinatunayan ni Oleksandr Usyk na siya ay labis para kay Joshua, at naglagay siya ng teknikal na masterclass para matalo si Joshua at manalo ng mga titulo.
Ang pares ay nagkaroon ng rematch noon 2022, at sa oras na iyon ang The Ring na titulo ay nasa linya. Ang laban ay mas malapit kaysa sa una, kasama si Joshua na nagkaroon ng ilang magandang sandali, gayunpaman, si Oleksandr Usyk ay madali paring nanalo sa laban sa pamamagitan ng magkahiwalay na desisyon at napanatili ang kanyang mga titulo.
Lumalaban para sa kanyang sariling bayan sa lugar ng digmaan at sa Ring
Si Oleksandr Usyk ay may malalim na pagmamahal para sa kanyang sariling bayan ng Ukraine. Matapos manalo sa kanyang unang laban kay Joshua, siya ay nasa Ukraine ng salakayin ito ng Russia. Si Oleksandr Usyk ay sumali sa lokal na puwersa ng pagtatanggol sa teritoryo para ipagtanggol ang Kyiv at suportahan ang mga sugatan na sundalo sa mga frontline. Wala siyang kahit na anong intensiyon na umalis sa kanyang bansa para lumaban hanggang sa bumisita siya sa isa sa mga ospital sa bukid ng mga front lines.
Lahat ng mga sundalo, maging ang mga sugatan, ay bumati sakanya ng may ngiti at sinabi sakanya na nais nilang ang kanilang kampeon ay lumaban para sakanila malayo sa digmaan sa boksing ring. Napagtanto ni Oleksandr Usyk na na maaari siyang maging mas mahalaga sa pagtatayo ng kamalayan tungkol sa labanan sa buong mundo at pagtatayo ng moral sa kanyang mga sundalo sa pamamagitan ng pagkapanalo sa boksing ring.
Siya ay nagtungo sa Saudi Arabia para ipaglaban ang kanyang titulo sa isang rematch laban kay Anthony Joshua, gayunpaman, pagkatapos manalo, siya ay bumalik sa Ukraine pagkatapos ng siyam na araw, para sumuporta sa kanyang kapwa kababayan sa frontlines.
Kaya, Si Oleksandr Usyk ay higit pa sa boksingero. Siya ay mayroong puso ng isang tunay na mandirigma.
Ano ang susunod na laban para kay Oleksandr Usyk
Sa patuloy na digmaan sa Ukraine, walang gaanong katiyakan tungkol sa susunod na laban ni Oleksandr Usyk, gayunpaman, kamakailan ay nakaharap niya si Tyson Fury pagkatapos ng kanyang laban sa London. Tinawag ni Fury si Oleksandr Usyk para sa isang titulo ng unification fight, na maaring isa sa pinakamalaking laban ngayong taon.
Si Oleksandr Usyk ang may hawak ng mga titulong WBA, WBO at IBF world titles, sasmantalang hawak ni Fury ang WBC heavyweight world title. Kaya, ang mananalo sa laban ay aalis sa ring bilang Undisputed na kampeon, at may mataas na numero sa pound-for-pound na ranggo.
Mgakatotoo man ang laban na iyon o hindi, makakatiyak kang si Oleksandr Usyk ay may ilang malaking laban sa hinaharap.
Ang EsballPH ay ang pinakamahusay na laro ng slot online casino sa Pilipinas.
Pagkatapos mag-log in, maaari mong tangkilikin ang new member register free 100 ngayon.
Simula sa 2024, maaari kang makakuha ng 100 free bonus casino no deposit philippines.
Bilang karagdagan, mayroon kaming iba pang mga diskwento at mga hangganan na naghihintay para sa iyo na mag-claim kaagad.
You can also click to enter the Online Casino Bonus & free 200 promotion introduction, which provides more diverse casino bonuses.